Ang Saya ng Sked ko!! pati mga profs ko exciting
Ok simulan ko na ang kwento hehehe… stick muna ako sa topic bago pa mapunta sa ibang kwento e.
isa lang talaga ang nakakainis hehehe kasi tuwing Tuesday, Thursday at Saturday sobrang haba ng vacant ko….. 9hrs..
AMF!! 9 hrs…. anu gagawin ko sa mga oras na un? Mag-aral, gumawa ng assignments, finalreports…. wag na nga tayo maging plactic hehehe DOTA NA!! weeeeee!! FIRST BLOOD GODLIKE!!
at first ang saya ko talaga kasi at those 9hrs.. kasi kung maglaro kami ng kabarkada ko parang wala nang Dota kinabukasan hehe. titigil lang kami pag sumakit na ung mga pwet namin sa upuan or pag sumakit ang mga ulo namin hehehe.
pero ngayung midterm na… nararamdaman ko na ung sakit sa bulsa.. dahil sa 9 hrs na un… 20 hrs per hour ang singil sa pchan di ba.. 20php times let say mga 5 hrs na lang = 100pesos….. ouch!! parang naholdap na ako nun heheh 200php lang ang baon ko a day e.. tapos ung kalati napupunta sa laro. hayz.. alam ko mali.. pero masarap gumawa ng mali eh… kaya nga ngayun medyo dahan dahan na lang sa dota imbes na 5hours every TThS… 4.5hrs na lang weeeeee.. jowk mga 2hrs na lang no.. nakakatamad na kasi e.. wala nang makatalo samin hehehe
well may naalala ako na sinabi sa akin ng tito ko regarding sa pagbubulakbol, pagbabarkada, at madalas na paghappy happy..
"hindi naman yan masama e, kung tutuusin dapat maranasan nyo yan. kasi pagtanda nyo, hindi nyo na pwedeng gawin yan"
tama nga naman si tito, masarap maging ungas paminsan minsan e… pero masama kung maging ungas ka na talaga hehe. parang nung matapos sabihin un ng tito ko sakin.. feeling ko wala na akong kasalanan sa mga magulang ko heehehe sowee sa mga bagsak hehehe
[]=(””)(””)=[]================> matalim to! hehe (komersyal)
well tapos na ung topik pumunta naman tayu sa mga sinisipsipan ko sa mapua (este prof ko sa mapua)
Discrete Math (COE233) - Prof. Joyce Santos, AKA=Smiling Terror
masaya talaga tuwing lecture tipong lagi kayung nakangiti
kasi laging nagpapatawa si mam, tsaka maganda si mam at
bata pa…. ung lecture nga.. laging parang pang Sanggol
(hehe new word ko ung for the word "Madali or Easy") ung
mga lessons…. pero pag quiz na… parang kami ung
nagiging sanggol… syet ang hirap… kulang pa ung 1.5hrs
sa quiz e…
Physics Laboratory (PHY121L) - Prof. Serchan Baun, AKA=Biker Mice
sasabihin ko na kung bakit may p6 lab parin ako.. kasi alam
kong iniisip nyo na un hehehe.. kasi ngayun lang ako nag p6
e.. naistuck ako sa chem ng 1 year..ouch.. masakit talaga
ang nakaraan hehehe.. back tayu kay ser.. isa lang masasabi
ko kay ser… after nyang idiscuss ang experiment, syempre
gagawa na kayu ng group nyo.. tapos for some reason
kailangan nyong magtanong kay ser, hindi naman maiiwasan
na hindi magtanong eh. hindi naman tayu perpekto.. kaso
pag nagtanong ka kay ser ang sasabihin lang nya ay
"di ba napag-usapan na natin yan"
SYET!! anu ka ba!! bat ayaw mong tumulong!!! tao lang
kami!
Filipino 1 (FLP013) - Prof. Mercedes Rodrigo, AKA=Sleeping Time
wala akong masabi kay mam na masama.. suuuuper baet,
medyo late dumating, hindi strict, masayahin sa lectures,
etc… kaso ewan ko ba kung bakit ung buong klase inaantok
pag tuwing pumapasok na si mam sa room namin hehe..
siguro dahil 12:00 ang klase namin kaya masarap matulog,
siguro dahil sa puro bintana ung room namin kaya maliwanag
kaya napapapikit kami… or siguro may nakakaantok na
aura si mam… hehehe ewan ko ba..
Differential Equation (Math053) - Prof. Villaluz, AKA=Kit-Kat, Chenelyn Bardom
walang oras na hindi kayu mapapatawa tuwing nandyan si ser..
lagi kasing nagjojoke eh.. tapos lagi pa nyang nilalande ung iba-
lalake sa klase namin hehe.. pag nag-board work.. tapos di mo
nasagutan or mali ka, magki-kiss ka kay ser!! seryoso to! may
kiss talaga syet!! kaya nga ung mga kaklase ko nagaaral ng
mabute hehe sabi ni ser incentive daw ung kiss nya para mag-
aral daw kami amf hehe. tapos ung hinayupak na word na
"chenelyn bardom" na lagi nyang sinasabi.. akala ko nung una
principle or name un ng isang formula… hinanap ko pa sa mga
lectures… POTA!! gay lingo para un nauto ako hehehe… basta
masaya dun.. di ba sa isang klase 40 max students lang pwede…
kami 50+ na hehehe weeeeeee dami kasi lumipat sa klase
namin.. sure pass daw e.. sana nga.. huling math ko na to..
after nito.. lalabas na ung iba iba kong majors… pota sanggol
nanaman ako nito heheh
well ito lang siguro ang makwekwento ko sa ngayun… nakakatamad kasi magupdate ng blog…..