Archive for February, 2006

After 10 years… wakoko

Sunday, February 12th, 2006

ngayun ko na lang uli nagalaw tong blog ko d2 sa prendster.. sensya na… kakatamad kasi d2 sa parteng ito… well nakalimutan ko na kung paano ang pasikot sikot d2 sa blog area ng prendster, kaya ngayun kapa kapa muna ako d2.

wala naman bago sakin ngayun.. nag quit lang ako sa sa rotc kasi (secret walang makakaalam ng dahilan)… kaya medyo maganda na ang takbo ng buhay ko.

nga pala post ko lang itong isang munting tula na nakita ko sa forum na madalas ko tambayan d2 sa internet. natuwa ako nung nabasa ko eh.. sana magustuhan nyo rin

MAHAL KITAHHH

Crush na crush na talaga kita mula noong tayo’y bata pa
Sa angkin mong ganda’t lambing murang puso ko’y nabihag mo na
Kaaliwan ko na’ng pagmasdan mapupungay mong mga mata
Minsa’y pikit, kadalasa’y dilat, at kung minsa’y may muta pa

Sa ‘yong sulyap na mapang-akit di ko maitago ang kilig
Sa ‘yong kindat, tuhod ko’y nanlalambot, kamay ko’y nanlalamig
At kung ika’y nakatitig puso ko’y bumibilis ang pintig
Pakiramdam ko’y umuurong, sumisikip ang brief kong orig

Banaag ang kawalang malay sa mga ngiti mong kaytamis,
Labi mong kaysarap hagkan mapulang parang kamatis
Halakhak mong bigay todo, labas gilagid, nakakainis
At pagdaka’y may pahabol pang tilamsik ng laway mong panis

Ngayon nga ay dalaga ka na, ako naman ay binata na
Lalo kang gumaganda at katawan mo’y hanep ang kurbada
Binti mong kay hahaba walang bahid ng peklat maski isa
Makikinis ang iyong hita nang di sadyang mabosohan kita

Nilapitan kita ng minsang nakita kang nakasimangot
Kuwento mo’y naghiwalay na kayo ng boyfriend mong napapanot
Yumakap ka ng mahigpit, luha’y pumatak, panay ang singhot
Ako na lang sana ang minahal kung di ka ba naman engot

Pagmamahal kong wagas tiyak kong wala ngang makakatumbas
Ubod sarap, ubod tamis, nakakalasing na parang ubas
Habang lumilipas ang panahon asahan mong di kukupas
Mabasa man sing sarap ng alak kung tuyo naman ay pasas

Subalit di ko kayang sabihin mahal kong kaibigan
Rubdub na pagnanasang bumabalot sa buo kong kalamnan
Natatakot banggiting mahal kita magpakailan pa man
Pagkat isasagot mo’y "igasgas mo sa pader, init lang yan"

Bakit ba ayaw mong maniwalang tunay kitang minamahal?
Bakit di na lang halik ang idampi sa pisngi ko’t huwag sampal?
Makamtan lamang ang pag-ibig mo’y handang magpatiwakal
Basta ba’t mauuna ka, tanga lang ako, hindi pa hangal

-insanity soul,  a member of the "Bad Poets Society" in the ragnaboards